Kausap ko nanay ko kanina, usapan tungkol sa trabaho at mga problema, di ko namalayan tumutulo na luha ko. Pinutol ko na lang usapan namin, at nanahimik sa kwarto.
Mahirap pala magkunwari na masaya ka lalo na kausap mo ay nanay mo na, hindi ako kailanman nagpapakita ng luha sa ibang tao, kahit na naghiwalay kami ng karelasyon ko, deadma lang, pero iba pala talaga pag pamilya na ang maapektuhan sa problema na dinadala mo.
Sakit dito oh (puso at isip) ang sakit!! di ko alam kung ano gagawin ko, kapatid ko ang apektado sa pagreresign ko sa trabaho, ni hindi ko alam kung paano na pag-aaral nila, kung hihinto ba o ipagpapatuloy pa, dahilan ng pagreresign ko ay ang mga taong pinagtutulungan na pabagsakin ako. Kinakaya ko pa eh, nilalabanan, pero bagsak na mentality ko, kung ipagpapatuloy ko, malamang mental hospital ang bagsak ko nito.
Mahirap magpanggap na masaya ka, nakikipagsabayan ka sa tawanan at hagakhakan ng iyong mga kaibigan, pero di mo mapapansin, tulala ka pa din sa isang tabi at nagiisip kung anong mga bagay at solusyon ang dapat mangyari. Tatanungin ka kung ok ka lang, sasagutin mo na “Oo” dahil ayaw mong pati sila ay madamay sa problema mo. Babalik ulit at magsasaya, pero sakaling mag-isa, luha sa mata ang nakikita.
CAM with ME !! :-))
“Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan”
Isang buwang pinag-isipan, ilang gabing pinagninilayan, tiniyak ng buo ang nararamdaman. Paglisan sa isang tahanan na nagpadama ng iyong kahalagahan at lugar na tumanggap ng iyong katauhan.
Ilang taong na din ang nagdaan, pasakaling natumbasan ng isang kaligayahan ang nadaramang kalungkutan. Hinagpis, kasiyahan, kalungkutan ay natunghayan sa isang tahanan na umampon sa katauhang batid ang kakayahan. Bantog na mga tao ay nakadaupang palad, maliliit na tao sa lipunan ay lubos na nabatid ang buhay. Abilidad at talino ay nalinang mula sa taong pinagkautangan ng loob, na oras at panahon ay inilaan. Mga taong nakasama sa mahabang panahon na pamilya ang naging turingan, lugar na itinuring na pangalawang tahanan sadyang mahirap ipaalam ang isang desisyong humantong sa isang “PAGLISAN”.
‘Hindi mo kailangang lumisan, mga bagay ay sadyang ganyan, di mo batid kung ano ang iyong mararanasan, ipinadadama lang sa iyo na dapat ikaw ay magbago, loob mo ay tibayan, ipakita mong ikaw ay lumalaban” mga katagang sambit ng mga taong may pagpapahalaga sa iyong pagkatao. Madaling sundin, minsan ay kailangang tupdin ang mga payo ng mga taong nakapalibot sa iyong mundo, subalit ang tunay na nararamdaman mo ang siya pa ding magdedesisyon ng buhay mo, ang iyong isipan na sandyang ginulo, puso na sinugatan ng husto, at pagkatao na niyurakan at sinira sa harapan ng ibang tao, ito ang mga dahilan kaya desisyon mo ay apektado.
“Unhealthy evironment” ang sagot ko, mahirap magpatuloy, mahirap mamuhay sa lugar na apektado ng ng karamdaman na lunas ay di masilayan. Para bagang isang ahas na iyong nasilayan, alam mong di mapapagkatiwalan, subalit pinatuloy mo pa ng iyong tahanan, kagyat kamandag iyong nakamtam, kaguluhan sa tahanan ay nautnghayan!
Hindi madaling magsalita kung ikaw ay wala sa tamang pwesto, kung ang upuan mo lalo sa ilalim niya nakapwesto, desisyon mo kayang baligtarin ito, magandang record mo, kayang ibagsak nito. Matatamis na salita sa ibang tao linang na linang nito, subalit talim na salita sa iyo ipupukol nito, buhat nya ang kanyang kinauupuan, pilay ang iyong paa at katawan.
Hindi madaling lisanin ang lugar na nagpakita ng iyong kahalagahan, sama ng loob dito kailanman ay di mararamdaman, pagiimpok ng kaalaman ay kailangan paghandaan upang sa darating na panahon taong ito mapantayan at labanan ng buong kakayahan. Kahit sa kasalukuyan na ang tanging alam mo lamang tahanan na iyong kinalikihan ay kailangan tumbasan na ng isang “PAGLISAN”.
Here are 10 Things Your Dog Would Tell You (apply this advice to people you don’t know as well):
1. My life is likely to last 10 to 15 years. Any separation from you will be painful: remember that before you get me.
2. Give me time to understand what you want of me.
3. Place your trust in me- it is crucial to my well being.
4. Do not be angry at me for long, and do not lock me up as punishment.
5. You have your work, your entertainment, and your friends. I only have you.
6. Talk to me sometimes. Even if I don’t understand your words, I understand your voice when it is speaking to me.
7. Be aware that how ever you treat me, I will never forget.
8. Remember before you hit me that I have teeth that could easily hurt you, but I choose not to bite you because I love you.
9. Before you scold me for being uncooperative, obstinate, or lazy, ask yourself if something might be bothering me. Perhaps I might not be getting the right food, or I have been out too long, or my heart is getting to old and weak.
10. Take care of me when I get old; you too will grow old. Go with me on difficult journeys. Never say: “I cannot bear to watch” or “Let it happen in my absence.” Everything is easier for me if you are there, even my death. Remember that I love you.
Akala ko concerned lang ako sa tao at feeling ko isip ko kumokontrol dito,
nuon pala mahal ko na sya, at puso ko’y kinontrol na pala ang isip ko.